Saturday, September 6, 2014

Barangay Culiat Approved 2014 Budget

0 comments





Read more

Kasaysayan ng Barangay Culiat


KASAYSAYAN  NG  BARANGAY  CULIAT



Noong  unang  panahon,  isang  bulubunduking lugar na may masukal na kagubatan ang natagpuan ng ating mga ninuno.  Ayon sa kanila, dito lang sila nakakita ng mga malaki at naggagandahang mga puno na napupuluputan ng kakaibang uri ng baging. Ang nasabing mga puno ay tinawag na Culiat. Sa lugar ding ito ay may mala-kristal na batis na may mga batong kapag nabibiyak ay may tubig sa loob. Dahil dito, ang lugar na ito’y tinawag na PASO NG CULIAT ( batong may tubig sa Culiat).

Panahon ng mga Kastila ng sinimulan ang pagtatag ng mga pamayanan. Taong 1902 nang itatag ang bagong lalawigan ng Rizal. Isa sa mga naging bayan ay ang Caloocan, at ang Culiat  ay naging baryo ng nasabing bayan. Tatlumpo’t pitong taon din ang nakaraan ng may isang Manuel Luis Quezon, na naging Pangulo ng Commonwealth, ay nagpasiyang itatag ang lungsod. Nabuo ang isang lungsod ng pangarap, ang Lungsod Quezon, na kung saan naging opisyal na sakop nito ang Culiat noong taong 1939.

Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nanirahan sa Culiat ang mga pamilyang EUGENIO, CLEOFAS, DELA CRUZ, ROXAS at SARMIENTO. Ayon na rin sa mga nasabing pamilya, ang bilang ng bahay na naipatayo sa panahon na iyon ay humigit-kumulang sa walumpo (80).

Taong 1946, nang mahayag na Kapitan ng Barrio si G. Leoncio Cruz, na may humigit-kumulang na dalawang daang botante. Sa panunungkulan niya, itinatag ang Paaralang Elementarya ng Culiat noong 1947. Ang nasabing paaralan ay may dalawang maliliit na silid aralan. Pagkalipas ng apat na taon, noong 1950, nahalal si G. Jose Cuadra bilang Barrio Captain na siyang nagpatuloy sa mga sinimulan ni G. Cruz.

Noong 1954, muling nanungkulan sa G. Leoncio Cruz. Sa pagkakataong ito, sinimulan niya ang pagpapalawak ng mga daanan at iba pang proyekto ng pamahalaan. Taong 1958, gaya ng dapat asahan, si G. Jose Cuadra muli ang napiling humalili kay  G Cruz sa pamumuno nitong lugar. Sa taong din ito naitayo ang isang maliit na kapilya ng mga Katoliko bilang tugon sa pananampalatayang Kristiyano. Ang nabanggit na kapilya ay ipinundar sa kinatatayuan ngayon ng Mataas na Paaralan ng Culiat.

Noong 1962, ipinagtibay ng Konseho Municipal ng Lungsod Ordinansang Bilang 5002 (City Ordinance No. 5002) na lumikha ng BARANGAY CULIAT at ito ay nagkaroon ng bisa noong ika-26 ng Marso, 1962

Nanungkulan bilang Punong Barangay si G. ELIGIO BAETIONG, na tumagal din sa puwesto hanggang panahon ng ”Martial Law”. Isa sa mga naging proyekto ni G. Baetiong ang pagpapatayo ng Mataas na Paaralan noong 1970 at siya rin ang nagpatayo ng isang kabisera ng barangay sa lupang ipinagkaloob ni DON TEODORO KALAW. Sa kanyang panunungkulan nagtatag ng isang Mosque ang mga katutubong Muslim at kaalinsabay nito ay ang katedral ng Iglesia ni Cristo.

Mula noong 1972 hanggang 1982, sampung taon din nanungkulan si G. REGINO SARMIENTO bilang Punong Barangay. Tulad ng ibang naging opisyal nitong nasabing lugar, si G. Sarmiento ay nakitaan ng mabuting panunungkulan. Ilan sa kanyang natatanging nagawa ay ang pagpapakabit  ng linya ng kuryente at tubig na animo’y biyaya sa mga mamamayan. Ito’y nagsilbing daan sa pag-unlad ng pamayanan.

Taong 1982 nang muling mabungkulan si G ELIGIO BATIONG bilang pinuno ng barangay. Tulad ng dapat asahan sa kanya, ipinagpatuloy niya ang magandang simulain upang ang pook na ito’y paunlarin. Dumami ang subdivision tulad ng DONA FAUSTINA VILLAGE, TIERRA PURA HOMES, KALAW HILLS SUBDIVISION, UP PROFESSORS VILLAGE, SANVILLE at iba pa. Dito rin itinayo ang GMA Station Tower at Claret Formation Center. Sa kasamaang palad, nagkasakit si G. Baetiong at sumakabilang buhay noong 1986.

Sanhi ng pagkamatay ni G. Baetiong, humalili sa kanya si G. CARLOS ROQUE pagkatapos ng EDSA Revolution. Sadyang hindi na mapigil ang pagunlad ng Culiat kaya’t lubusang nakilala ito sa pamahalaang Lunsod Quezon. Ang dating lubak-lubak na lansangan ay pinatag, maging ang Luzon Avenue na kung saan napakaraming residente ang nakinabang lalo’t higit ang mga maralitang taga-lunsod. Tumagal din ng walong (8) taon, ang panunugkulan ni G. Roque.

Nang magkaroon ng halalan muli, na kung saan libu-lino na ang botante,  nahalal si G. CONRADO PINEDA bilang pinuno ng barangay na siyang nanungkulan hanggang taong 2001.  Ang pagiging bisyonaryo ni  G. Pineda ang nagudyok sa kanya na hikayatin ang kanyang pinamamahalaan na magtulungan para sa patuloy na pagunlad ng Culiat.  Sa kanyang panunungkulan, umabot na sa labindalawang libo ang mga botante ng Culiat.  Pinalaki at pinaganda niya ang kabisera ng barangay. Tanging adhikain ni G. Pineda ay maisakatuparan ang magandang pangarap para sa Barangay Culiat.

Taong 2002 ng manungkulan si G. JAIME P. GARCIA bilang Punong Barangay. Ipinagpatuloy niya at lalong ipinagbuti ang panunungkulan kasama ang kanyang mga kagawad. Ang tanging adhikain niya ay ang pagkakaroon ng tiyak na pabahay para sa mga maralitang taga-lunsod sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) na proyekto ng Lunsod Quezon. At dahil sa kababaang loob, siya ay muling naihalal noong 2007 hanggang 2013. Patuloy niyang pinalaki ang kabisera ng Barangay Culiat dahil sa patuloy na pagdami ng mga taong naninirahan dito.

Taong 2010, muling nahalal bilang Punong Barangay si G. Garcia para sa kanyang ikatlong termino. Base sa kasaysayan, siya lamang ang tanging namuno sa Barangay Culiat na nakatapos hanggang sa ikatlong termino ng panunungkulan.

Sa kasalukuyang pagtatala, umabot na sa animnapu’t-walong libo, anima na raan at labing walo (68,618) ang naninirahan sa Culiat. Dumami pang lalo ang bilang ng mga establisyementong pang-komersyal tulad ng gasolinahan, drugstore at mga sari-sari stores na may kasalukuyang tala na  umabot sa 3,453. 

Marami din sa mga proyektong naisakatuparan ng pamumuno ni G. Garcia ay mga livelihood program, proyektong pangkalusugan, proyektong pangkalinisan, BCPC, Gender & Sensitivity, Educational Program, mga proyektong pan-imprastraktura, at iba pa.

Ang kasalukuyang Kapitan ng Barangay na si G. VIC BERNARDO ay naluklok noong nakaraang halalan ng October 2013.  

Tunay ngang pinagpala ang Barangay Culiat mula noon hanggang ngayon. Magsilbi nawang inspirasyon ng mga nanunungkulan at kapwa naninirahan ang patuloy na pagunlad ng lahat hanggang sa susunod na henerasyon. 

Barangay Culiat, ang kanyang KAHAPON, NGAYON at BUKAS.

Isinulat ni:
G. ROMEO C. BALORAN - Guro ng Mataas na Paaralan ng Culiat
Kgd. RENATO BAUTISTA - Barangay Kagawad
Kgd. CRISTINA V. BERNARDINO - Barangay Kagawad
Gng. MARIVIC N. MONTANEZ - Kalihim ng Barangay

Pinagmulan:
Kgd. Fidel S. Bondad
Kgd. Teodor C. Diaz
 Kgd. Marta C. Makimkim



 

Read more

Barangay Culiat Kagawad Profiles










Read more

Kap. Vic Bernardo Message




Read more

Barangay Culiat Profile




DATE OF CREATION: March 26, 1962

MANNER OF CREATION: Ordinance NO. 5022, S- 1962


LAND AREA (Hectares): THREE HUNDRED TWENTY EIGHT THOUSAND SIX HUNDRED FORTY SIX & 3/10,000 (328,646.3) HECTARES

NUMBER OF REGISTERED VOTERS: 25,983 as of 2013

POPULATION: 68,881 as of 2010, NSO

LOCATION: Along Tandang Sora Avenue, DIST. 6, Q.C.                                                             

BARANGAY FIESTA: September 28, 2nd Sunday of July and a Sunday nearest to September 4,

BARANGAY BOUNDARIES


NORTH : Congressional Avenue  
EAST : Luzon Avenue 
WEST : Southeast by Commonwealth Avenue    
SOUTH : Culiat & Pasong Tamo River and Visayas Avenue

CONGRESSIONAL DISTRICT/ Representative : HON. CHRISTOPER “KIT” BELMONTE

CITY MAYOR: Hon. HERBERT “BISTEK” BAUTISTA

PUNONG BARANGAY: Hon. VICTOR D. BERNARDO


Barangay Council with Kap Vic Bernardo and his kagawads


Barangay Peace and Order Council with Kap Vic Bernardo 




Read more

Friday, September 5, 2014

Contact Us

36 comments
Republic of the Philippines
BARANGAY CULIAT
District VI, Quezon City

Telephone Nos. 453-7370/456-3483
Email: brgy.culiat@yahoo.com

Read more
 


Barangay Culiat © 2014